Philippines

Naga

Virtual-only event

Pinoy developers gather together to address real-world problems on Earth and space using NASA's free and open source data

NASA data and resources are used to solve real-world problems on Earth and space


MABUHAY sa taunang pinakamalaking hackathon na agham at kalawakan sa buong mundo!

Tara na sa ika 1-2 ng Oktubre na libu-libong katao sa buong bundo ang magkakatipon-tipon sa Space Apps 2022!

Noong nakaraang taon, sinalubong ng Space Apps ang higit 28,000 na kalahok, sa 162 na bansa at kalupaan. Sa paggamit ng malayang data mula sa NASA at mga kasamang ahensiyang pangkalawakan, hinarap nila ang 28 na hamon at lumikha ng 2,814 na proyekto.

Luneta

GUMAWA ng mga malikhaing tugon sa mga makatotohanang hamon gamit ang totoong data mula sa kalawakan.

Sa kasalukuyang taon, nakikipagtulungan ang NASA sa mas marami pang ahensiyang pangkalawakan upang dalhin ang pinakamalaking taunang pandaigdigang hackathon sa mas maraming pang mga pamayanan sa mundo! Malugod nating isalubong ang Indian Space Research Organisation at Mexican Space Agency, kasama pa ng: Australian Space Agency, Brazilian Space Agency, Canadian Space Agency, European Space Agency, Japan Aerospace Exploration Agency, National Space Activities Commission of Argentina, National Space Science Agency of Bahrain, Paraguayan Space Agency, at South African National Space Agency.

Pinapangasiwaan ng Earth Science Division, Science Mission Directorate, ang Space Apps doon sa Punong Himpilan ng NASA sa Washington, DC. Pinangangasiwaan ito kasama ng Booz Allen Hamilton, Mindgrub, SecondMuse, at ang NASA Open Innovation Applied Sciences Program.

Technology and developer community leaders and STAMINA4Space engineers as mentors helping participants during the hackathon

KAILANGAN NG MUNDO ang kaalaman mo!

Binibigyan ka ng pagkakataon ng Space Apps upang makapagbigay-buhay ang iyong mga ideya, pagharap sa mga samu't-saring isyu sa Daigdig, agham pangkalawakan, at tech. Inaasahan naming makita kung anong makabagong, malikhaing kaalaman ang dadalhin mo sa lipunan ngayong taon.

Screenshot 2020-10-01 185705

Ano nga ba ang Space Apps?

Isang pangdaigdigang hackathon ang NASA International Space Apps Challenge (Space Apps) para sa mga coder, siyentipiko, taga-disenyo, mananalaysay, tagagawa, tagabuo, teknolohista, at iba pa sa buong mundo, kung saan nakikipag-ugnayan ang mga pangkat sa malaya at bukas na data ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) upang tugunan ang mga makatotohanang suliranin sa Daigdig at kalawakan.

Tuwing Oktubre, sa loob ng dalawang araw, nagkakatipon-tipon ang mga kalahok sa buong mundo sa daang mga ganap upang malutas ang mga hamon na ibinigay ng NASA. Matapos ang hackathon, pipiliin ng mga dalubhasa sa mga ahensiyang pangkalawakan ang mga naipasang proyekto at hihirangin ang mga nagwagi para sa isa sa 10 Global Awards.

Binibigyang pangkakataon ang Space Apps ng mga tagapaglutas sa buong mundo ng malaya at bukas na data ng NASA, ng pagkakataong sa mga pangkat na matutunan kung paano gamitin ang mga mapagkukunang ito upang lutasin ang mga hamon bawa't taon.

Binibigyang rin ng inspirasyon ng Space Apps ang pakikipagtulungan, pagkamalikhain, at pag-iisip ng mabuti. Aming misyong ang paghikayat na magkaroon ng interes ang paglago at pagkakasari-sari sa susunod na salinlahi ng mga siyentipiko, teknolohista, taga-disenyo, tagapagsalaysay, at inhinyero.

Buhat noong nag-umpisa ito noong 2012, hinikayat ng International Space Apps Challenge ng NASA ang 180,000+ na kalahok mula sa 150+ na bansa/teritoryo na gamitin ang malayang data ng NASA upang bumuo ng mga makabagong paglutas sa mga hamong kinahaharap natin sa Daigdig at kalawakan.

Screen Shot 2020-05-30 at 10.06.02 AM

aedes_gideon_nasa

Sino ba ang dapat makilahok sa Space Apps?

Sa Space Apps, palaging may puwang para sa isa pa.

Gusto ng mga karaniwang lumalahok sa Space Apps ang saliksikin ang ating planeta at/o kalawakan gamit ang agham at teknolohiya, pagiging malikhain, at ang pagnanais na matuto. Lahat ng gulang, antas ng kakahayan, at propesyonal na background ay malugod na tinatanggap.

Bilang kabahagi ng Space Apps, kasama ka sa isang pandaigdigang samahang hackathon tampok ang pakikipagtulungang aabot hanggang sa laylayan, kalipunan, at kalinangan upang lutasin ang mga makatotohanang suliranin sa Daigdig at kalawakan gamit ang malaya at bukas na data ng NASA.

mentoring

mentoring

Sino ang nangangasiwa ng Space Apps?

Pinapangasiwaan ng NASA ang Space Apps kasama ng Booz Allen Hamilton, Mindgrub, SecondMuse, at ang NASA Open Innovation Applied Sciences Program.

Pinoy hackers going deep into addressing real-world problems on Earth and space

drbompeti

Winners visit the Philippine Earth Data Resource and Observation (PEDRO) Center at the DOST-Advanced Science and Technology Institute in Diliman, Quezon City with Dr. Joel Joseph S. Marciano, Jr

Philippine flag

Schedule (All times Asia/Manila)

Saturday, October 1st
  1. Kick-off

  2. Office hours

  3. Office hours

  4. Office hours

Sunday, October 2nd
  1. Office hours

  2. Virtual Pitch and Feedback Session

  3. Office hours

  4. Office hours

  5. Office hours

  6. Deadline